BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Huwebes, Hulyo 21, 2011

Isulong ang Breastfeeding: Sapat, Tama at Eksklusibo

             Ang breastfeeding ay importante sa mga sanggol.ito ay dapat nating tangkilikin upang maging malusog,malakas at malayo sa sakit ang  mga batang  bagong panganak. Ang gatas na galing sa ina  ay masustansya at nagbibigay ng tama,sapat at eksklusibong nutrisyon para sa mga bata.kinakailangang mainom ng bagong panganak na sanggol ang colustrum o unang gatas na lumalabas sa dibdib ng ina pagkatapos niyang manganak dahil ito ang naglalayo sa kanya ng anumang sakit.Ito ang nagsisilbing "antibiotics" ng sanggol.Ang breastfeeding ay dapat na patoloy gawin habang lumalaki ang sanggol upang manatiling matibay ang kanilang resistensya.Pinaniniwalaang mainom ang breastfeeding hanggang dalawang  taong gulang.Isulong ang breastfeeding sa bansa para hindi maging sakitin ang mga bata.Laging tangkilikin ang gatas ng ina at iwasan ang "powdered milk" para hindi makaapekto sa kalusugan ng mga bata ang pagtangkilik at pagpasulong ng breastfeeding ang siyang susi para sa isang malusog at matibay na kinabukasan ng mga bata sa  ating bansa.

0 (mga) komento: